MOA SIGNING!

Sa pagtutulungan nina Cong. Roy M. Loyola, Mayor Dahlia A. Loyola ng Lungsod ng Carmona, at ng Department of Education sa pangunguna ni Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, Usec. Peter Corvera, at Asec. Aurelio Paulo “AP” Bartolome, matagumpay na naisagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing para sa pagbaba ng pondo sa Pamahalaang Lungsod ng Carmona para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng mga school buildings.


Sa pamamagitan ng kasunduang ito, mas pinagtitibay ang mas mabilis at maayos na implementasyon ng mga proyektong pang-edukasyon, lalo na sa pagpapagawa at rehabilitasyon ng mga paaralan, upang matiyak ang mas ligtas, moderno, at dekalidad na learning environment para sa mga guro at mag-aaral. (Atty. Roy M. Loyola FB Page)