Nagtipon-tipon ang mga Kindergarten teachers ng Carmona sa Division Kindergarten Convergence 2026 na dinaluhan ni Mayor Dr. Dahlia A. Loyola upang talakayin ang makabuluhang pamamaraan sa pagtuturo para sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
Dito ay pinag-aralan ang play-based learning at ang pagbabahagi ng best practices ng mga guro mula sa Bancal Elementary School, Cabilang Baybay Elementary School, Carmona Elementary School, Lantic Elementary School, at Mabuhay Elementary School sa pagpapatupad ng iba’t-ibang strategies tungo sa holistic development ng kindergarten learners. (City Government of Carmona)
