Brigada Eskwela 2026 sa Bayan ng Tanza

Pormal nang sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 sa Bayan ng Tanza sa pamamagitan ng Kick-Off Ceremony na ginanap sa Tanza National Comprehensive High School, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.


Pinangunahan ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang aktibidad kasama sina Konsehal Derek Matro, Konsehal Alexis Dones, Konsehal Sheryl Lyn Langit-Gervacio, Konsehal Ryan Mintu, Municipal Administrator Luisito Dela Cruz, SKF President Patrick Bocalan, Konsi Kap. Anet Bocalan, at Kuya Karl Velasco.


Nakiisa rin ang mga guro, magulang, mag-aaral, at iba’t ibang sektor ng Bayan sa layuning maging handa ang mga paaralan para sa School Year 2026–2027. (Municipal Government of Tanza)