Libreng Pustiso, handog sa mga Silangueño

Aabot sa 150 Silangueño mula sa 64 barangay ang makakatanggap ng libreng pustiso mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla, sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Silang sa pamumuno ni Mayor Ted Carranza.


Sa tulong ng Ultimate Dental Laboratory & Dental Clinic Parañaque, isinagawa ang pagsusukat para sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng nasabing programa ngayong Abril 22, sa New Silang Municipal Hall.
Nakiisa rin sa aktibidad sina Board Member Ivee Reyes, Board Member Aidel Belamide, Konsehal Ari Velazco, at Konsehal Carlo Madlansacay bilang suporta sa patuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga Silangueño. (Municipal Government of Silang)