Isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng Lungsod ng Carmona ang opisyal na pagdaraos ng Topping Off Ceremony para sa bagong City Hall, na pinangunahan ni Cong. Roy M. Loyola, sa patuloy na pagsusulong ng mga proyektong magpapalakas sa imprastraktura at serbisyo publiko—isang simbolo ng progreso at patuloy na pag-unlad.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna nina Mayor Dahlia A. Loyola at Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at sa pakikipag-ugnayan sa SM Group, SM Prime, at SMDC sa pangunguna nina Mr. Henry Sy, Jr., Ms. Jessica T. Sy, Engr. Jessel Kabigting, Mr. Gabriel Emmanuelle Laurel, Ms. Grace Evangeline Sta. Ana, at Mr. David Tanael, CEO ng StarkOne Construction Corporation, naging matagumpay ang makasaysayang seremonya.
Pasasalamat kina Governor Abeng Remulla, Vice Governor Ram Revilla, Board Members—BM Aidel Paul Belamide at BM Ivee Reyes, Mayor Ted Carranza ng Bayan ng Silang, kasama sina Kons. Ari Velazco at Kons. Carlo Madlangsakay, sa suporta at pakikiisa.
Kasama ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga Sangguniang Barangay, at mga mamamayan, nasaksihan ang patuloy na progreso ng isang imprastrakturang magsisilbing bagong tahanan ng mga programang maghahatid ng mas makabuluhang serbisyo at tuloy-tuloy na pag-unlad para sa Lungsod ng Carmona.
Isang hakbang pasulong para sa mas maunlad na kinabukasan. (Atty. Roy M. Loyola FB Page)
