Isang daan at tatlumpu’t tatlo (133) na baby pawikan o hatchlings ang matagumpay na pinakawalan sa dalampasigan ng Isla Bonita. Matagal nang nagsisilbing pangingitlugan ng mga pawikan ang Isla Bonita mula pa noong 2007, kaya naman patuloy ang pangangalaga at pagbabantay ng mga awtoridad sa lugar.
Kasabay nito, tuloy-tuloy rin ang isinasagawang paglilinis ng ating mga dalampasigan upang mapanatili ang ganitong makabuluhang kaganapan at mapangalagaan ang ating likas na yaman.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lokal ng Rosario, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente at Vice Mayor Bamm Gonzales, ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga baybayin at iwasan ang anumang gawaing makasisira sa kalikasan.
Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang pagpapakawala ng mga pawikan, katuwang ang ating mga Bantay-Dagat sa Isla Bonita. (Municipality of Rosario Cavite)
