Limampung mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP), nakatanggap ng ₱5,000 Cash Capital Assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa pamumuno ni City Mayor JonJon Ferrer, at dinaluhan ni City Vice Mayor Jonas Labuguen.
Kabilang dito ang mga existing small business owners at mga pamilya ng dating Persons Deprived of Liberty (PDLs), sa tulong ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Layunin ng programang ito na bigyang-puhunan ang GenTriseño micro-entrepreneurs para matulungan silang magkaroon ng mas matatag na kabuhayan. (City Government of General Trias)
