Cavite Service Caravan sa Silang!

Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pamumuno ni Governor Abeng Remulla at Vice Governor Ram Revilla Bautista, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Silang sa ilalim ni Mayor Ted Carranza, idinaos noong Abril 30, ang Cavite Service Caravan sa CVSU – Silang.


Mula sa serbisyong medikal at dental, bakuna, tulong legal, hanggang sa job fair at mga programang pangkabuhayan, patuloy na inilalapit ang serbisyong publiko para sa bawat mamamayan.


Nakiisa rin sa programa sina Cong. Roy Loyola, BM Aidel Belamide, BM Ivee Reyes, Konsi Carlo Madlansacay, Konsi Ari Velazco, Konsi Ronnie “Isang Bagsak” Doneza, at Konsi Ara Loyola bilang suporta sa mga serbisyong inilaan para sa mga Silangueño. (Municipal Government of Silang)