Unang Flag Ceremony ng taon ginanap sa lungsod ng Cavite

Sa idinaos na First Monday Flag Ceremony ng Taon nitong January 5, 2026, sama-samang sinalubong ng pamahalaang lungsod ang bagong yugto ng serbisyo—may pagmamalaki sa masaganang taon ng 2025 at may malinaw na tanaw sa pamanang iiwan para sa kinabukasan ng Cavite City.


a isang programang puno ng propesyonalismo at disiplina, binalikan ang mga tagumpay, proyekto, at serbisyong nagbigay-hugis sa patuloy na pag-unlad ng lungsod—patunay na kapag sama-sama ang pamunuan at kawani, tuloy-tuloy ang pag-unlad.


Bilang bahagi ng programa, binati rin ang mga January Birthday Celebrants at nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng isang lecture tungkol sa ethics bilang paalala sa kahalagahan ng integridad at wastong asal sa serbisyo publiko. Pinarangalan din ang ilang kawani ng pamahalaang lungsod bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging achievement at dedikasyon sa trabaho.


Bukod sa ulat ni Mayor Denver R. Chua tungkol sa mga naganap at nakamit ng lungsod noong nakaraang Disyembre, inilahad din ang Top 10 Legacy Projects of the People of Cavite City for the Year 2025, na magsisilbing pundasyon ng pangmatagalang pag-unlad. Kasabay nito, ipinahayag ng Ama ng Lungsod ang pangako na ipagpapatuloy at paiigtingin ang mga proyektong higit pang magpapaunlad sa Cavite City ngayong 2026.


Isinagawa rin ang seremonyal na pag-dispose at pag-neutralize ng mga nakumpiskang mufflers, bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga ordinansa para sa kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa lungsod.
Sa bagong taon, iisang direksyon: Serbisyo, at Disiplina para sa bawat Caviteño. (City Government of Cavite)