Lungsod ng Bacoor – October 9, 2025 – Personal na inihatid ni Mayor Strike B. Revilla ang mga wheelchair kasama nya si LnB Vice President Randy Francisco at mga kapitan ng barangay sa mga tahanan ng mga benepisyaryo sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Bacoor.
Kabilang sa mga benepisyaryo sina Ms. Lina Abrenica ng Brgy. Maliksi 2, Ms. Emelita Silvestre ng Brgy. Poblacion, Ms. Cristina Roques ng Brgy. Habay 1, Ms. Sarah Torres ng Brgy. Salinas 1, at Ms. Carmen Robia ng Brgy. Ligas 2.
Bukod sa wheelchair, masuwerte rin ang mga naabutan ni Mayor Strike sa kanilang tahanan dahil nabigyan din sila ng 5 kilong bigas at tulong pinansyal na pambili ng gamot.
Ayon kay Mayor Strike, nais niyang makamusta at makita ang kalagayan ng mga Persons With Disabilities (PWDs) at Senior Citizens na nangangailangan ng wheelchair. Dahil nahihirapan silang lumabas, mismong si Mayor Strike na ang lumapit sa kanila upang personal na iabot ang tulong.
Ang pamamahaging ito ay nagpapakita ng malasakit at dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa kapakanan ng mga vulnerable sector ng komunidad. (City Government of Bacoor)
