Bacoor City Hall Main Lobby, Nobyembre 13, 2025 – Muling nagpaabot ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa pangunguna ni Ms. Lilian Ugalde. Mahigit 400 na Bacooreño ang nakatanggap ng tulong.
Sa pagdalo nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, naipamahagi ang tulong pinansyal na nagmula sa pondo ng Bacoor LGU. Sa kabuuan, mahigit 900 na Bacooreño na ang natulungan ngayong araw (500 plus sa umaga at 400 plus ngayong hapon).
Ang tulong na ito ay bahagi ng regular na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng lungsod. Layunin nitong matulungan ang mga residente na nangangailangan ng pambili ng gamot, pambayad sa dialysis, pampa-ospital, at iba pang pinansyal na pangangailangan. Bukod pa rito, nagbibigay din ang Pamahalaang Lungsod ng mga Guarantee Letter na maaaring gamitin pambayad sa ospital at sa funeral. (City Government of Bacoor)
