Nagkamit ng isang ginto at tansong medalya at mga espesyal na parangal ang mga estudyante mula sa Imus sa ginanap na Invitational Research Conference: International Exhibition for Young Inventors (IEYI) 2025 sa Osaka, Japan noong Agosto 6 hanggang 7, 2025.
Iginawad ang gintong medalya at Japanese Institute of Invention and Innovation Special Award para sa ‘HelioDisk: A Portable Heat Detection System’ ng mga estudyante ng Gen. Emilio Aguinaldo National High School (GEANHS).
Inuwi naman ng mga mag-aaral ng Gen. Flaviano Yengko Senior High School ang tansong medalya at ang Samurai AI Rated “A” Invention Awards para sa kanilang imbensyong ‘Smart Auto Dissemination System Mosquito Larvae Vector Control Powered by RaspberryPi and YOLOv8 Computer Visual Integration.’
Samantala, natanggap ng isa pang grupo ng mga estudyante ng GEAHNS ang Taiwan Special Award at Vietnam Excellent Invention Award para sa kanilang imbensyong ‘STAR: Sun Tracking Automatic Rotator.’
Hinahangaan ng inyong mga kababayan at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ang inyong galing, talino, at pagkamalikhain sa murang edad. Congratulations! (City Government of Imus)
