Kinilala si City Mayor Alex “AA” L. Advincula bilang Most Outstanding Local Chief Executive na isa sa mga National Police Commission (NAPOLCOM) Deputized Officer ng naturang komisyon nitong Huwebes, Setyembre 25, 2025, lungsod ng Sta. Rosa, Laguna kasabay ng pagdiriwang ng ika-31 National Crime Prevention Week at ika-59 na anibersaryo ng NAPOLCOM.
Ang pagpaparangal kay Mayor AA ay bunga ng kanyang aktibong pakikipag-ugnayan sa kapulisan, epektibong pagpapatupad ng crime prevention programs, at matatag na pamumuno sa Lungsod ng Imus.
Ang pagkilalang ito ay patunay sa mahusay na pamumuno ni Mayor AA pagdating sa kaligtasan at kaayusan sa Imus. (City Government of Imus)
