Bumisita sina Congressman Roy M. Loyola at Mayor Dahlia A. Loyola sa 1st batch ng mga pasyenteng nasa yugto ng paggaling matapos ang isinagawang surgical operation.
Ang libreng operasyon na isinagawa ng Memphis Mission of Mercy ay isang malaking biyaya para sa mga kadistrito mula Carmona, Silang, at GMA, kabilang ang mga pasyenteng may goiter, bukol (cyst), bingot (cleft lip & palate), at luslos (hernia).
Taos-puso ang pasasalamat sa dedikasyon ng mga doktor at medical volunteers mula sa Tennessee, USA, na patuloy na nagdadala ng ngiti, pag-asa, at ginhawa sa ating mga mamamayan.
Sa ikalawang araw ng libreng operasyon ng Memphis Mission of Mercy, bumisita muli sina Congressman Roy M. Loyola at Mayor Dahlia A. Loyola sa ating mga kadistritong kakatapos lamang ng matagumpay na surgical procedure upang kamustahin ang kanilang kalagayan habang nagpapagaling.
Kasunod ng libreng surgical operations, isinagawa rin ang outreach program ng Memphis Mission of Mercy sa pamamagitan ng pamamahagi ng School Bags sa 1,200 mag-aaral sa GMA at Silang, Cavite.
Kabilang ang San Gabriel 3 Area F, Brgy. Olaes, GMA, Cavite (300 benepisyaryo); Area J Elementary School, Brgy. Lumbreras, GMA, Cavite (300 benepisyaryo); Bulihan Sites and Services Project Elementary School, Silang, Cavite (300 benepisyaryo); at Brgy. Maguyam Elementary School, Silang, Cavite (300 benepisyaryo).
Pinangunahan ni Cong. Roy M. Loyola ang lubos na pasasalamat sa Memphis Mission of Mercy—mga kaibigang doktor at medical volunteers mula Amerika—na taun-taon ay naglalaan ng oras, sakripisyo, at biyaya upang maghatid ng taus-pusong paglilingkod, ngiti, at inspirasyon sa ating distrito.
Patuloy ang malasakit. Patuloy ang pagtutulungan. Patuloy ang pagkakaisa. (Atty. Roy M. Loyola FB Page)
