Libreng chemotherapy para sa mga Imuseño!

Imus City, Cavite – Opisyal nang binuksan ang Imus Chemotherapy Center sa loob ng Ospital ng Imus Compound—ang kauna-unahang libreng chemotherapy facility sa buong Cavite.


Taus-pusong nagpapasalamat naman si City Mayor Alex Advincula at ang Pamahalaang Lungsod ng Imus kay Dr. John Paul Aclan at sa PhilHealth sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod upang maisakatuparan ang programang ito.


Bago pa man ito nagbukas, nasa 700 pasyente na ang nakatakdang tumanggap ng libreng gamutan.
Bukas po ang Chemotherapy Center mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM at maaaring tumanggap ng 40 hanggang 60 pasyente.


Isa itong malaking hakbang para sa maaasahang serbisyong pangkalusugan sa bawat Imuseño! #ImusChemotherapyCenter #AngatAngImus #AlagangAdvincula (City Government of Imus)