Libreng binyag handog ng Pamahalaang Panglungsod ng Bacoor, matagumpay na naisagawa

Matagumpay na naisagawa kahapon ang “Libreng Binyag,” isang proyekto ng Pamahalaang Panglungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng Office of the City Civil Registry na pinamumunuan ni Ms. Ma. Theresa Cameros sa Katedral ni Hesus ang Mabuting Pastol noong Setyembre 24, 2025.


Nakasama sa okasyon ni Mayor Strike, sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Coun. Karen Sarino Evaristo, LnB Vice President Randy Francisco, Ms. Jho Ricardo (Kinatawan ni Cong. Lani M. Revilla), Kap Edwin Gawaran ng Barangay Kaingin-Digman, at ang mga Paring nagmula sa Katedral ni Hesus ang Mabuting Pastol.


Umabot sa 205 na bata ang sabay-sabay na bininyagan, kasama ang kanilang mga magulang, bilang benepisyaryo ng libreng serbisyong ito.


Ang “Libreng Binyag” ay isa sa mga proyekto ni Mayor Strike B. Revilla at ng Pamahalaang Panglungsod ng Bacoor, sa tulong at suporta nina Cong. Lani Mercado Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, at ng buong Team Revilla. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-354 na Anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Bacoor at naglalayong suportahan ang pagbuo ng matatag na pamilya sa Bacoor. Sa kanyang talumpati, hinimok ni Mayor Strike ang pagkakaisa at binigyang-diin ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo ang bawat Bacooreño. (City Government of Bacoor)