Courtesy Call for Team CNHS Science Castle Asia 2025 Awardees

Proud na proud na binati ni Mayor Denver Chua ang Team CNHS na nagtagumpay bilang Grand Winner sa naganap na Science Castle Asia 2025 research conference na ginanap sa Malaysia.


Pinatunayan ng Team CNHS ang natatanging creativity, genius, at knack for innovation sa paghakot nila ng napakaraming awards sa larangan ng siyensiya. Tunay silang ipinagmamalaki ng buong Cavite City!
Binabati rin ng City Government ang kaguruan sa likod ng ating mga magigiting na mag-aaral, pagbati kina Coach Jimmy M. Maquirang, Head Teacher Jocelyn M. Ibañez, at School Head Randie L. Salonga, at sa buong SDO Cavite City sa pangunguna ni SDS Greg Co.


Patuloy nating ipagmalaki at suportahan ang husay at talino ng batang Caviteño na tunay na world-class! (City Government of Cavite)