Handog ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Voltaire Ricafrente, Vice Bamm Gonzales at Sangguniang Bayan, katuwang ang Salinas Ministerial Fellowship (SMF) at ang Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario – Reina del Caracol, ngayong Pebrero, isang daang (100) magsing-irog ang pag-iisahing dibdib—at sagot namin ang isang romantikong sorpresa para sa lahat ng ikakasal!
Sapagkat tayo ay naniniwala na ang pamilya ang pangunahing haligi ng lipunan. Muling pinagtitibay ng Pamahalaang Lokal na ang matatag na pamilya ang pundasyon ng isang maunlad, mapayapa at nagkakaisang pamayanan, sa pamamagitan ng Kasalang Bayan.
Kung ikaw ay taga-Salinas, yayain na ang iyong minamahal at magpatala sa ating munisipyo. Hanapin lamang si Ms. Lorna Alegre-Anacay ng Mayor’s Staff, Lunes hanggang Biyernes, mula ika 8:00 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. (Municipality of Rosario Cavite)
