Walong resolusyon ang pinagtibay sa ika-19 na regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Imus noong Martes, Nobyembre 11, 2025.
Kabilang dito ang resolusyong nagpapahintulot kay City Mayor Alex “AA” L. Advincula na lumagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at De La Salle University-Dasmariñas para sa scholarship ng mga kwalipikadong Imuseño.
` Pinagtibay rin ang resolusyong nag-aapruba sa pag-alis ng deklarasyon ng dengue outbreak sa lungsod, alinsunod sa rekomendasyon ng Local Health Board at ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).
Dalawang resolusyon naman ang pinagtibay para sa urban development. Una, ang pag-apruba sa muling pag-uuri ng lupa mula General Residential Zone (GRZ) patungong General Commercial Zone (GCZ) para sa Judson Development Corporation at ng isang lupain mula GRZ patungong GCZ na kapwa matatagpuan sa Brgy. Carsadang Bago 1.
Pasado na rin ang resolusyong sumusunod sa Provincial Ordinance No. 483-2025 na nag-aatas ng pre-emptive at mandatory evacuation bago at habang may sakuna, batay na rin sa CDRRMC Resolution No. S2025-020.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang konseho sa pagpanaw ni dating Vice Mayor Rodrigo M. Camia na namayapa noong Nobyembre 8, 2025, sa bisa ng isang resolusyon.
Samantala, ipinasa ang karagdagang pondo ng mga ng Barangay Bucandala 4 at Barangay Carsadang Bago 2. (City Government of Imus)
