Ginanap kamakailan ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite na pinangunahan nina Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga Konsehal ng Bayan.


Ipiniresenta din ang pagkilalang natanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Rosario mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa ipinamalas nitong pambihirang dedikasyon sa transparency, accountability, at kahusayan sa pagsusubaybay at pagrereport ng mga Locally-Funded Projects (LFPs) sa pamamagitan ng SubayBayan system. Ang parangal na ito ay patunay ng patuloy nating pagtatrabaho tungo sa isang mas maayos, bukas, at responsableng pamahalaan para sa bawat isang taga-Rosario.


Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang Comelec, DILG, PNP, BFP, DepEd, at mga Punong Barangay. (Municipality of Rosario Cavite FB Page)